Deployment Ban sa Saudi Arabia, tatanggalin na simula Nobyembre 7, 2022!

pagtanggal ng deployment ban ng OFW sa saudi arabia simula Nobyembre 7

Pagkaraan ng halos isang taong deployment ban, ipagpapatuloy ng Pilipinas ang deployment ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia kabilang ang mga domestic worker (kasambahay) simula Nobyembre 7, 2022.

Ito ay resulta ng pag-uusap sa pagitan ng Ministry of Human Resources and Social Development ng Saudi Arabia at ng Philippines’ Department of Migrant Workers na naglalayong gumawa ng ilang mga reporma upang mapabuti ang kapakanan at mas mahusay na masubaybayan ang mga kondisyon sa pagtatrabaho at deployment ng mga OFW sa Kaharian.

Mga reporma tungo sa mas mabuting pangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa

Batay sa bilateral talks, ang dalawang bansa ay sumang-ayon sa mga sumusunod na aksyon upang protektahan ang mga karapatan ng mga manggagawang Pilipino at magtrabaho laban sa trafficking ng mga migranteng manggagawa:

  • Lumikha ng Technical Working Group na may mga kinatawan mula sa magkabilang panig upang subaybayan ang pagpapatupad ng reporma sa paggawa at upang magtulungan na resolbahin ang mga alalahanin at pangangailangan ng mga Pilipinong manggagawa.
  • Gumawa ng blacklist at whitelist ng mga recruitment agencies at employer sa parehong bansa. Hindi na papayagang mag-recruit ng mga manggagawa ang mga naka-blacklist na ahensya.
  • Baguhin ang Standard Employment Contract (OEC) ng mga OFW, na dapat i-update ayon sa Saudi Labor Reform Initiatives. Ang “insurance” para sa hindi nabayarang sahod ay isasama sa mga sugnay ng kontrata, gayundin ang pagbibigay ng “napapanahong pagpapalabas” ng mga sahod sa pamamagitan ng elektronikong paraan, at isang sugnay bago ang pagwawakas.
  • Magpatupad ng “fully-automated” na proseso ng recruitment para sa maayos at mahusay na proseso.
  • Pumirma ng Memorandum of Understanding (MoU) sa paglaban sa trafficking ng mga tao, pag-iimbestiga at pag-uusig sa mga nagkasala, at pagbibigay ng suporta para sa mga biktima ng trafficking sa Pilipinas at sa Saudi Arabia .
  • Regular na nagpupulong para sa Joint Committee Meetings “upang matiyak ang ganap na pagsunod” sa mga bilateral na kasunduan at “tuklasin ang mga pag-unlad ng mga pamamaraan sa recruitment sa parehong bansa”

Ano ang dapat asahan ng mga aplikanteng kasambahay?

Kasunod ng balitang ito ay ang pag-asa ng mga aplikanteng kasambahay na nagnanais makapagtrabaho sa Saudi Arabia at naapektuhan ng deployment ban sa loob ng halos isang taon. Ayon sa kasunduang ito, maasahan ng mga OFW ang mas mabuting proseso at angangalaga sa kanilang kapakanan sa umpisa ng recruitment hanggang sa deployment at pagbalik nila sa bansa.

Isa pang magandang balita, mayroon ng mga employer sa HelperChoice website na kasalukuyang naghahanap ng kasambahay na tutugma sa pangangailangan ng kanilang pamilya sa Saudi Arabia! Kaya hinihikayat namin ang mga aplikante na manatiling positibo at magumpisang mag-apply sa aming website bago pa magumpisa ang deployment sa Nobyembre upang agad na makahanap ng employer.

Magregister dito para makahanap ng mabuting employer sa Saudi Arabia ng LIBRE!

Paano humanap ng trabaho sa HelperChoice?

Ang HelperChoice ay tumutulong sa mga aplikante na direktang kumonekta sa mga etikal na employer sa Saudi Arabia. Walang mga tagapamagitan, transparent ang proseso ng hiring nasaan ka man! Walang anumang dapat bayarang placement fee ang mga aplikante. Kinakailangang lamang nilang magregister sa aming website gamit ang Facebook o email address.

Upang maproteksuyunan at tulungang maging handa ang mga aplikanteng kasambahay sa pagtatrabaho sa Saudi Arabia, narito ang isang guidebook na binuo ng aming team upang magsilbing kanilang gabay —> Guidebook

Naghahanap kaba ng employer sa Saudi Arabia?

Maaaring interesado ka rin sa:

HelperChoice Ethical Statement

Can I change Employers in Saudi Arabia?

Is it safe to work in Saudi Arabia?

Trabahong kasambahay sa Saudi Arabia - magregister ng LIBRE
Spread the word

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *