Pagkaraan ng halos isang taong deployment ban, ipagpapatuloy ng Pilipinas ang deployment ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia kabilang ang mga domestic worker (kasambahay) simula Nobyembre 7, 2022.
Ito ay resulta ng pag-uusap sa pagitan ng Ministry of Human Resources and Social Development ng Saudi Arabia at ng Philippines’ Department of Migrant Workers na naglalayong gumawa ng ilang mga reporma upang mapabuti ang kapakanan at mas mahusay na masubaybayan ang mga kondisyon sa pagtatrabaho at deployment ng mga OFW sa Kaharian.
Batay sa bilateral talks, ang dalawang bansa ay sumang-ayon sa mga sumusunod na aksyon upang protektahan ang mga karapatan ng mga manggagawang Pilipino at magtrabaho laban sa trafficking ng mga migranteng manggagawa:
Kasunod ng balitang ito ay ang pag-asa ng mga aplikanteng kasambahay na nagnanais makapagtrabaho sa Saudi Arabia at naapektuhan ng deployment ban sa loob ng halos isang taon. Ayon sa kasunduang ito, maasahan ng mga OFW ang mas mabuting proseso at angangalaga sa kanilang kapakanan sa umpisa ng recruitment hanggang sa deployment at pagbalik nila sa bansa.
Isa pang magandang balita, mayroon ng mga employer sa HelperChoice website na kasalukuyang naghahanap ng kasambahay na tutugma sa pangangailangan ng kanilang pamilya sa Saudi Arabia! Kaya hinihikayat namin ang mga aplikante na manatiling positibo at magumpisang mag-apply sa aming website bago pa magumpisa ang deployment sa Nobyembre upang agad na makahanap ng employer.
Magregister dito para makahanap ng mabuting employer sa Saudi Arabia ng LIBRE!
Ang HelperChoice ay tumutulong sa mga aplikante na direktang kumonekta sa mga etikal na employer sa Saudi Arabia. Walang mga tagapamagitan, transparent ang proseso ng hiring nasaan ka man! Walang anumang dapat bayarang placement fee ang mga aplikante. Kinakailangang lamang nilang magregister sa aming website gamit ang Facebook o email address.
Upang maproteksuyunan at tulungang maging handa ang mga aplikanteng kasambahay sa pagtatrabaho sa Saudi Arabia, narito ang isang guidebook na binuo ng aming team upang magsilbing kanilang gabay —> Guidebook
Naghahanap kaba ng employer sa Saudi Arabia?
HelperChoice Ethical Statement
Can I change Employers in Saudi Arabia?
Is it safe to work in Saudi Arabia?
HONG KONG – March 8, 2026 – As International Women's…
Navigating the paperwork for overseas employment can feel like a…
Updated on 19 January 2026 Mid-Autumn Festival also known as…
Every year, HelperChoice, Hong Kong’s leading ethical recruitment platform connecting…
(Updated on January 01, 2026) Statutory holidays are mandatory holidays…
10 Effective Tips To Communicate With Your Child (Updated on…