Categories: Job Application

Ang HelperChoice ang kauna-unahang online platform na may POEA Accreditation at Partner Agency sa Pilipinas!

Ikinalulugod naming ipahayag na bukod sa pagiging accredited ng POEA, ang HelperChoice ay mayroon ng partner agency sa Pilipinas para magproseso ng mga domestic worker patungong Hong Kong – Ang Ascend International Services Inc.

Ang Ascend International Services Inc na may opisina sa Rms 309 & 314, L&S Building, 1414 Roxas Blvd. Ermita Manila ay katuwang ng HelperChoice na magtakda ng mga bagong pamantayan ng proseso ng recruitment para sa mga domestic worker at mapataas ang kanilang access sa ligtas at etikal na trabaho sa Hong Kong.

Tinitiyak namin na ang mga aplikanteng kasambahay ay hindi magbabayad ng anumang placement fee, sa aming platform, o sa Ascend International Services Inc. Anumang karagdagang pagsasanay na hiniling sa mga domestic worker bago ang deployment ay dapat legal na kinakailangan at i-sponsor ng employer.

Paano ang proseso ng pag-apply sa HelperChoice?

  1. Magregister gamit ang iyong Facebook o email address sa www.helperchoice.com/applicants
  • Ihanda ang larawan o kopya ng iyong NBI clearance / valid ID, passport
  1. Mag-apply sa mga available na job ads ng employers
  2. Antayin ang mensahe o tawag mula sa employer para sa job interview.
  3. Kung kayo ay nagkasundo, ipo-proseso ng employer ang iyong visa sa Hong Kong

Gaano katagal ang pagproseso ng Visa?

Sa Hong Kong, ang processing ay kadalasang nagtatagal ng apat (4) hanggang anim (6) na linggo para sa mga first time applicants/finished contract cases at lima (5) hanggang pitong (7) linggo naman para sa mga helper na terminated ang kontrata dahil sa relocation/financial na dahilan ng employer.

Ang kasalukuyang proseso ay nakadepende rin sa regulasyon ng mga ahensya ng gobyerno na apektado ng Covid-19 protocols.

Kung nagdesisyon na ang employer na iproseso ang iyong visa, ikaw ay tatawagan ng Ascend International Services para pumunta sa kanilang opisina upang gabayan ka sa mga sumusunod na requirements:

Ano ang mga kailangan mong ihanda?

Narito ang ilan sa mga importanteng bagay na kailangan mong ihanda upang mapabilis ang iyong visa processing. 

1. NBI Clearance

Tips para makahanap ng employer

Ang paghahanap ng trabaho sa HelperChoice ay ginagawa sa loob ng aming website, na iba sa mga tradisyonal na ahensya. Narito ang ilang mga tip upang matulungan kang makahanap ng isang mahusay na katugmang employer sa lalong madaling panahon

  1. Magpaverify ng profile – mas mataas ang tsansa na makahanap ng employer ang mga verified profiles dahil nangangahulugan ito na napatunayan ng aming team ang iyong pagkakakilanlan at mga dokumento.

Ihanda ang mga requirements na ito:

  • Kung ikaw ay nasa Pilipinas: Valid Passport copy, NBI Clearance, Valid Government issued ID
  • Kung ikaw ay nasa Hong Kong: HKID, Passport at working visa, Training certificates 

    2. I-improve ang “About You” section ng iyong profile – ihighlight ang iyong mga karanasan sa trabaho, mga kasanayan at mabuting katangian mo bilang kasambahay at miyembro ng pamilya. Makakatulong ito para makuha ang atensyon ng employer at kontakin ka para sa isang interview.

    3. Ihanda ang iyong passport– ang pagkakaroon ng passport ay nagpapakita sa mga employer na seryoso kang mag-apply sa ibang bansa. Makakatulong din ito na mapabilis ang pagproseso ng iyong visa!

    4. Magpadala ng message sa naaayon sa requirement ng employer – Basahing mabuti ang mga requirements na nakasaad sa job ad na gusto mong applyan at siguraduhing naayon dito ang iyong mensahe sa employer.

Malapit na ang pagproseso ng mga kontrata mula sa Pilipinas!

Dahil sa demand ng mga employer para sa mga Piipinang kasambahay, ang aming team ay magsisimulang magproseso ng mga kontrata sa mula sa Pilipinas sa lalong madaling panahon. Kaya magregister na ngayon upang makahanap ng trabaho sa Hong Kong!

Magregister at kumpletuhin ang iyong profile dito: https://www.helperchoice.com/registration/childcare/applicant

Pagbutihin ang Iyong Profile!

Gusto mo bang dagdagan ang iyong pagkakataong matanggap sa trabaho? Mag-iskedyul ng 15 minutong tawag sa amin at tutulungan ka naming i-set up ang iyong profile!

Mag-book ng coaching call dito: https://calendly.com/helperchoice-jam/hk-coaching?

Share
contact helperchoice

Recent Posts

Ano ba ang Overseas Employment Certificate o OEC?

Ano ang OEC? Ang OEC o Overseas Employment Certificate (OEC)…

1 buwan ago

Menstruation Sanitary Products For Domestic Helpers

(published on April 29, 2024) Common sanitary products In Hong…

2 taon ago

Money Scams: Essential Information And Resources For Domestics Helpers In Hong Kong

(Published on April 23, 2024) Types Of Money Scams Money…

2 taon ago

An Unplanned Pregnancy: Planning Your Next Steps (Phase 2)

By PathFinders (Click here if you have not read phase 1.) In Phase…

2 taon ago

Enjoying the Hong Kong Winter: Fun Activities for Domestic Helpers

Updated 21 November 2025 Enjoying the Hong Kong Winter: Fun…

2 taon ago

Breast Cancer Awareness For Foreign Domestic Helpers In Hong Kong

(published on September 21, 2023) In response to the Pink…

2 taon ago