Ang pangunahing natuklasan ng survey na ito ay ang karamihan sa mga employers ay nagpakita ng suporta at pag-unawa sa kanilang mga domestic helper sa panahon ng Covid-19 fifth wave. Sa kabila ng mga opisyal na abiso ng gobyerno,, 30% lamang sa 546 na mga tumugon ang pinayuhan na manatili sa bahay ng kanilang mga employer.
Para sa mga nagpositibo sa Covid-19 (10% ng mga sumagot sa survey), karamihan ay nakatanggap ng suporta galing sa kanilang mga employer. Sa panahon ng kanilang isolasyon,, karamihan sa kanila ay tumatanggap pa rin ng kanilang mga buwanang suweldo at nabigyan ng pangangalaga. 90% ng kabuuang bilang ng mga nakilahok ang nakatanggap ng mga supply, tulad ng mga RAT kit, mask, bitamina at mga hand sanitizer mula sa kanilang mga employer.
Ayon kay Mahee Leclerc, General Manager ngHelperChoice,
‘Natutuwa kaming makita na sa napakaraming bilang ng mga tumutugon, ang malaking mayorya ay may mga sumusuportang employer.’
Sa pangkalahatan, 17% ng mga sumagot ay tinapos ang kanilang kontrata dahil sa Covid-19, karamihan ay dahil sa relokasyon ng kanilang mga employer (44.3%), ang iba ay dahil sa di magandang relasyon sa employer (31.7%), ang iba ay sanhi ng problema sa pananalapi ng kanilang mga amo (19.8%) at isang minorya ay dahil sa pagkahawa ng Covid-19 (4.2%).
4.2% – Dahil nagpositibo ako sa Covid
19.8% – Kalagayang pinansyal ng aking amo
31.7% – Di magandang relasyon sa aking amo
44.3% – Paglipat ng employer o relokasyon
Bukod sa trabaho, nakataya din ang mental health o kalusugang pangkaisipan ng mga migranteng kasambahay.Sa karamihan ng mga manggagawang hindi nakauwi sa loob ng nakaraang dalawang taon, ipinapakita ng survey na ito ang katatagan ng mga dayuhang domestic worker sa Hong Kong. Kapansin-pansin nasa kabila ng patuloy na mga paghihigpit sa panahon ng ikalimang bugso ng COVID-19, higit sa 80% ng mga sumagot ay nais pa ring manatili sa lungsod at panatilihin ang kanilang mga trabaho. Mahigit sa 70% ay hindi itinuring na ang kanilang kalusugang pangkaisipan ay nakaapekto sa kanilang pagganap sa trabaho at higit sa 90% ay nagbahagi na sila ay may kausap araw-araw. Nang tanungin kung saan sila humahanap ng emosyonal na suporta, iniulat nila: sa mga kaibigan at pamilya sa bahay (343), mga kaibigan at pamilya sa Hong Kong (271), at mga employer (66). Ito ay malinaw na nagpapahiwatig na, mayroong isang matatag na komunidad ng mga migranteng kasambahay sa Hong Kong.
Nang ang mga sumagot ay humantong sa ilang mas malalalim na tanong, tulad ng “Nakaramdam ka ba ng pag-iisa ng dahil sa pandemic??”, “Kailan ka huling naging masaya” at “Gaano kadalas ka nakaramdam ng positibo sa iyong buhay?”,ang mga kasagutan ay hindi tumugma sa kanilang kasalukuyang kalagayan. 43.7% sa mga lumahok ay nakadama ng pag-iisa dahil sa pandemya, kalahati sa kanila ay nagsabing ang kanilang huling masasayang karanasan ay noon pang nakalipas na isang buwan, 39.6% ay hindi naging positibo sa kanilang buhay at 22.2% lamang ang natanto na kailangan nila ng emosyonal na suporta sa panahon ng Covid -19. Ipinahihiwatig ng data na ito na ang mga migranteng domestic worker, sa kabila ng pagiging matatag, ay nagdadala pa rin ng hindi nasasabing emosyonal na mga isyu na nangangailangan ng patuloy na suporta sa kalusugang pangkaisipan na epektibong tumutugon sa kanilang mga partikular na pangangailangan, wika at konteksto.
Ang maaring mas nakakagulat na resulta ay na 54.1% ng mga kasambahay sa survey ay natutulog lamang ng 4-6 na oras kada araw. Gaya ng inirerekomenda ng CDC (Centers of Disease Control and Prevention), ang mga nasa hustong gulang na mula 18-60 taong gulang ay nangangailangan ng hindi bababa sa pitong oras na tulog para sa mabuting kalusugan at kagalingan. Ang bilang ng mga oras ng pagtulog ay maaari o maaaring hindi direktang makaapekto sa kalusugan pangkaisipan ng mga domestic worker na ito, ngunit maaaring magpahina sa kanilang pisikal na lakas at kaligtasan mula sa sakit.
Sa pangkalahatan, ang pinansiyal na tulong ay ipinakita bilang isang pangunahing matinding pangangailangan sa panahon ng pandemya ng 27% ng mga na-survey na domestic worker. 40% ang nagpahayag na nakaramdam sila ng stress dahil sa kanilang sitwasyon sa pananalapi. Ipinakita pa ng mga resulta na 27.6% ng mga nakilahok ang kailangang magpadala ng mas malaking pera sa kanilang pamilya at halos 20% sa kanila ay nagkaroon ng pagtaas sa mga gastusin. Bagama’t mabilis na tumaas ang halaga ng palitan ng piso kontra dolyar sa nakalipas na anim na buwan, ang inflation rate sa Pilipinas ay tumaas din mula Enero hanggang Hunyo ng taong ito, na nag-udyok ng malaking pangangailangang magpadala ng mas malaking pera sa kanilang mga pamilya sa bansa. 31.34% ang nag-ulat na hindi nila ibinahagi ang kanilang sitwasyon sa pananalapi sa kanilang pamilya at 14% ang nag-ulat na ang kanilang sitwasyon sa pananalapi ay hindi apektado ng pandemya.at… Ayon sa Consumer Price Index (CPI) para sa Mayo 2022 na inilabas ng The Census and Statistics Department (C&SD) noong Hunyo 21, ang taun- taong pagtaas ng mga presyo noong Mayo 2022 para sa pangunahing pagkain ay 4.9%, mga takeaway na pagkain ay 3.5% at transportasyon ay 1.5%. Sa kasalukuyan, ang minimum na sahod ng mga domestic worker ay nasa HK$ 4,630.
Ipinahayag ni Tynna Mendoza, Direktor ng Mga Programa sa Enrich HK na ang komunidad ng mga migranteng domestic worker ay maaaring patuloy na humarap sa dumaraming hamon sa pananalapi habang tumatagal ang Covid-19.
‘Ang pagpapadala ng mas malaking pera at pagkakaroon ng mas malaking gastusin ay ang mga nangungunang hamon sa pananalapi ng komunidad mula nang magsimula ang pandemya at nananatiling ganito lalo na sa ikalimang bugso ng COVID-19.’ Hinihimok ni Mendoza ang mga employer na patuloy na suportahan ang kanilang mga kasambahay lalo na sa mga panahong ito. ‘Ikinagagalak naming malaman ang pangangalaga at suporta ng maraming employer sa kanilang mga kasambahay. Hinihikayat ko ang mga tagapag-empleyo na patuloy na suportahan ang kanilang mga kasambahay, partikular na may access sa pinansyal na edukasyon at suporta sa kalusugang pangkaisipan upang magkaroon ng ugnayan sa trabaho na kapwa kapaki-pakinabang sa employer at kasambahay.’
Ang HelperChoice ang unang social impact startup na nakatuon sa pagtanggal ng mga placement fee at human trafficking para sa sapilitang paggawa. Ang pagbabagong dala ng HelperChoice ay kinikilala ng maraming organisasyon, kabilang ang International Labor Organization. Ang HelperChoice ay aktibo para sa patas na trabaho, at napagkalooban ng DBS Bank foundation para sa mga social enterprise. Prinoseso ng HelperChoice ang higit sa 50,000 recruitment at tinatantya na higit sa 60 milyong euro ng mga iligal na bayarin sa placement ang naiwasan. Alamin ang tungkol sa HelperChoice: https://www.helperchoice.com/
Ang Enrich ang nangungunang organisasyon ng kawanggawa sa Hong Kong na nagtataguyod ng economic empowerment ng mga migranteng kasambahay. Binibigyan namin ng kapangyarihan ang mga migranteng kasambahay na mamuhunan sa kanilang sarili sa pamamagitan ng edukasyong pinansyal at empowerment. Ang aming mga workshop ay nagbibigay ng kasangkapan at kakayahan sa mga kasambahay na makatipid, magbadyet at magplano para sa hinaharap na may higit na seguridad sa pananalapi habang sila ay narito sa Hong Kong. Para sa karagdagang impormasyon: www.enrichhk.org
Mahee Leclerc, General Manager at HelperChoice
Tel: +852 9132 3115
Email: mahee@helperchoice.com
Tynna Mendoza, Director of Programmes at Enrich HK
Tel: +852 2386 5811
Email: tynna@enrichhk.org
(Diperbarui pada 09 April 2026) Hari libur resmi (Statutory holidays)…
Oleh PathFinders Banyak orang, termasuk pekerja domestik asing, datang ke…
Oleh PathFinders Beberapa hal dalam hidup kita terjadi secara tak…
Mengurangi Homesickness di Luar Negeri Pindah ke luar negeri, baik…
(diterbitkan pada 21 September 2023) Sebagai tanggapan terhadap Pink October…
(Diterbitkan pada 18 November 2023) Saat musim dingin tiba di…