
Ano ang OEC?
Ang OEC o Overseas Employment Certificate (OEC) ay nagsisilbing exit clearance na ipinakakaloob ng Department of Migrant Workers ng Pilipinas para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Para sa mga Pilipinong kasambahay sa Hong Kong, ang OEC ay nagpapatunay na:
-
Ang domestic helper ay may may lehitimong kontrata sa trabaho sa Hong Kong
-
Ang trabaho ay nakarehistro sa Department of Migrant Workers.
-
Ang domestic helper ay legal na pinahihintulutang umalis ng Pilipinas upang magtrabaho sa ibang bansa
Kung walang OEC—o walang valid na OEC exemption—hindi papayagang makaalis ng Pilipinas ang isang domestic helper at pangkalahatang OFWs para magtrabaho sa ibang bansa.
Gaano Katagal ang Bisa ng OEC?
Ang OEC ay may bisa na:
-
60 araw mula sa petsa ng pagkakaloob
-
1 araw lamang kung ito ay pinagkaloob sa Labor Assistance Counter (LAC) sa NAIA, Cebu-Mactan, o Davao International Airport (para sa mga pabalik na OFW)
-
Isang beses lang na magagamit paalis ng Pilipinas
Kapag nagamit na ang OEC sa imigrasyon palabas ng bansa, ito ay nawawalan na ng bisa—kahit hindi pa tapos ang 60-araw na validity period.
Dagdag pa rito, ang OEC ay isang beses lamang na magagamit sa pag-alis mula sa Pilipinas. Kailangang mag-apply ng bagong OEC sa tuwing aalis ng Pilipinas at babiyahe patungong Hong Kong para sa bagong employment.
Kailan kailangan ng OEC ang isang Domestic Helper?
Kailangan ng isang Pilipinong domestic helper ang OEC kung siya ay:
-
Aalis ng Pilipinas upang magsimula ng bagong trabaho sa Hong Kong
-
Babalik sa Hong Kong matapos ang home leave, bakasyon, o emergency trip
-
Babalik sa Hong Kong matapos ang contract renewal o pagpapalit ng employer
Kahit ang mga domestic helper o kasambahay na matagal nang nagtatrabaho sa iisang pamilya ay kailangan pa rin ng OEC sa bawat pag-alis ng Pilipinas para sa trabaho—maliban na lamang kung kwalipikado sila para sa OEC exemption.
Ano ang OEC exemption?
Ang OEC exemption ay nagbibigay-daan sa isang kasambahay o domestic worker na kasalukuyang nagtatrabaho sa Hong Kong na makalabas ng Pilipinas ng walang bagong OEC, kung walang nagbago sa mga detalye ng kanyang trabaho.
Maaaring makakuha ng OEC exemption ang isang domestic helper kung:
-
Babalik sa parehong employer sa Hong Kong
-
Pareho pa rin ang uri ng trabaho at address ng employer.
-
Nasa DMW system na ang employment record
-
May valid na Hong Kong visa at aktibong kontrata
-
May kumpirmadong flight pabalik sa Hong Kong
Kung may kahit anong pagbabagong naganap—tulad ng pangalan ng employer, residential address, o status ng kontrata—hindi maaaring gamitin ang exemption, at kailangang mag-apply ng regular na OEC.
OEC Issuance vs OEC Exemption: Ano ang Dapat Malaman ng mga Employer at Helper
| OEC | OEC Exemption |
|---|---|
| Kinakailangan para sa mga bagong hire o kung may pagbabago sa kontrata | Para sa pabalik na helper na walang pagbabago sa employment |
| Inilalabas bilang opisyal na sertipiko | Ibinibigay bilang online confirmation |
| May bayad ang pagproseso | Walang kailangang i-print na certificate |
| Isang beses lang magagamit | Isang beses lang magagamit |
Both are accepted by Philippine immigration, but exemption eligibility is closely checked.
Paano Nag-a-apply ng OEC ang mga Domestic Helper
May dalawang karaniwang paraan ng pag-aapply.
Option 1: OEC Exemption (Parehong Employer at Kontrata)
Ito ang pinakakaraniwang sitwasyon para sa mga domestic helper sa Hong Kong.
Ang helper ay:
- Nagla-log in sa DMW Online Services Portal gamit ang kanyang rehistradong email at password

-
Pinipili ang “Balik Manggagawa”

3. Nilalagay ang detalye ng flight
4. Sinasagot ang mga tanong para sa employment verification
5. Pini-print ang OEC Exemption Confirmation
6. Ipinapakita ito sa Philippine immigration bago ang pag-alis
Walang kailangang gawin ang employer, ngunit napakahalaga na tama at updated ang mga detalye ng kontrata.
Paalala:
Ang mga helper na nakalimutan ang kanilang password ay maaaring i-recover ang kanilang account gamit ang rehistradong email address o gumawa ng online ticket sa pamamagitan ng pag-click sa “DMW HelpDesk.” Maaari ring pumili ng pinakamalapit na DMW office upang iproseso ang request at mag-follow up gamit ang ticket number na ibibigay matapos i-submit ang request.
Option 2: Regular OEC (Bagong Employer o may Pagbabago sa Employment)
Kung ang helper ay may bagong employer o may pababago sa kontrata, kinakailangan niyang mag-apply para sa regular na OEC.
Kasama sa proseso ang:
- Pag-log in sa DMW Online Services Portal
- Pagpili ng “Balik Manggagawa
- Paglalagay ng impormasyon tungkol sa employer at kontrata
- Pagpili ng lugar ng processing: isang DMW office sa Pilipinas, o Ang Migrant Workers Office (MWO) sa Hong Kong
- Pagdalo sa appointment, kung kinakailangan
- Pagsusumite ng mga dokumento at pagbabayad ng processing fee na HK$20 sa Hong Kong o ₱100 sa Pilipinas
Mga Kailangang Dokumento:
-
Valid na Philippine passport
-
Valid na Hong Kong domestic helper visa
-
Na-verify na Standard Employment Contract (original)
-
HKID ng employer at detalye ng work address
-
Aktibong OWWA membership
-
Kumpirmadong detalye ng flight
-
Pagpi-print ng pinagkaloob na OEC
Option 3: Pinoproseso ng Agency (Para sa Overseas New Hires)
Kung ang helper ay nagpo-proseso ng bagong kontrata sa Hong Kong habang nasa Pilipinas, ang employment agency na humahawak ng visa application ay karaniwang inaasikaso na rin ang OEC bilang bahagi ng deployment process. Nakakatulong ito upang masigurong kumpleto at maayos ang lahat ng dokumento bago bumiyahe ang helper papuntang Hong Kong.
Para sa iba pang katanungan o agarang tulong kaugnay ng OEC, maaaring makipag-ugnayan sa mga tanggapan sa ibaba:
Para sa e-Registration concerns
Makipag-ugnayan sa Manpower Registry Division sa (02) 8722-11-72 o (02) 8722-11-81, o mag-email sa ebmrd@dmw.gov.ph
Para sa OEC at Balik-Manggagawa concerns
Makipag-ugnayan sa Balik-Manggagawa Processing Division sa (02) 8721-07-85, o mag-email sa bmpd@dmw.gov.ph
Saan Maaaring Iproseso ang OEC?
Maaaring magproseso ng OEC ang mga Pilipinong domestic worker sa pamamagitan ng:
-
Mga DMW office sa Pilipinas
-
Migrant Workers Office (MWO) sa Hong Kong
-
Labor Assistance Counter (LAC) sa NAIA, Cebu-Mactan, o Davao International Airport para sa returning OFWs
Para sa mga helper na babalik sa parehong employer matapos ang bakasyon o leave, ang online OEC exemption ang pinakasimple at pinakamadaling opsyon.
Saan Maaaring Iproseso ang OEC?
Maaaring magproseso ng OEC ang mga Pilipinong domestic worker sa:
-
Mga DMW office sa Pilipinas
-
Migrant Workers Office (MWO) sa Hong Kong
-
Labor Assistance Counter (LAC) sa NAIA, Cebu-Mactan, o Davao International Airport para sa pabalik na OFWs
Para sa mga helper na babalik sa parehong employer matapos ang bakasyon o leave, ang online OEC exemption ang pinakasimple at pinakamadaling opsyon.
Maari bang makakuha ng OEC sa Airport?
Sa mga piling sitwasyon, oo.
Maaaring payagan ang pag-iisyu ng OEC sa airport kung:
-
Sa loob ng limang (5) araw na ang paglipad pabalik ng Hong Kong
-
Walang available na appointment online
-
Kumpleto ang lahat ng kinakailangang dokumento
Hindi garantisado ang opsyong ito at dapat lamang gamitin bilang huling opsyon. Maaaring maginquire sa Labor Assistance Centers upang makasiguro.
Mga Karaniwang Isyu sa OEC na Maaring Maiwasan
Maraming isyu sa OEC ang nangyayari dahil sa maliliit na hindi pagkakatugma. Kabilang sa mga karaniwang isyu ang:
-
Hindi pareho ang pangalan o address ng employer sa kontrata
-
Expired na OWWA membership
-
Maling flight dates na nailagay sa system
-
Masyadong maagang pag-apply, o labas sa 60-araw na validity period
Makakatulong ang mga employer sa pamamagitan ng pagtiyak na tama ang mga detalye ng kontrata, pagbibigay ng sapat na oras sa helper upang matapos ang proseso, at pakikipag-coordinate sa mga agency kung kinakailangan.
Bakit Mahalaga ang OEC Compliance sa Ethical Employment
Umiiral ang OEC system upang:
-
Protektahan ang mga Pilipinong domestic worker laban sa illegal recruitment
-
Masigurong pasado sa pamantayan ng Pilipinas ang mga overseas contracts
-
Isulong ang kalinawan (transparency) at pananagutan (accountability) sa pagtatrabaho sa ibang bansa.
Para sa mga domestic helper, ang tamang pagproseso ng OEC ay mahalaga upang masigurong legal ang iyong pag-alis ng Pilipinas, maiwasan ang pagkaantala ng pag-alis patungong Hong Kong at mapanatili ang maayos at matatag na relasyon sa iyong employer.
Mahahalagang Paalala para sa mga Domestic Helper
Kung ikaw ay magpo-proseso ng bagong kontrata papuntang Hong Kong habang nasa Pilipinas, karaniwang ang employment agency sa Pilipinas na nag-aasikaso ng iyong visa ang siyang magpo-proseso din ng OEC.
Kung ikaw naman ay umuwi ng Pilipinas para magbakasyon o home leave, ikaw mismo ang responsable sa pagkuha ng OEC o OEC exemption bago ka makabalik sa Hong Kong para sa trabaho. Maari itong kunin sa MWO Hong Kong bago pa man umuwi ng Pilipinas kung ikaw ay babalik ng Hong Kong sa loob ng 60 days – dahil 60 days lamang ang bisa ng OEC.
Mahalagang malaman ang pagkakaibang ito para makapagplano nang maayos at maiwasan ang abala o delay sa iyong pagbalik sa trabaho.
