Ang OEC o Overseas Employment Certificate (OEC) ay nagsisilbing exit clearance na ipinakakaloob ng Department of Migrant Workers ng Pilipinas para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Para sa mga Pilipinong kasambahay sa Hong Kong, ang OEC ay nagpapatunay na:
Ang domestic helper ay may may lehitimong kontrata sa trabaho sa Hong Kong
Ang trabaho ay nakarehistro sa Department of Migrant Workers.
Ang domestic helper ay legal na pinahihintulutang umalis ng Pilipinas upang magtrabaho sa ibang bansa
Kung walang OEC—o walang valid na OEC exemption—hindi papayagang makaalis ng Pilipinas ang isang domestic helper at pangkalahatang OFWs para magtrabaho sa ibang bansa.
Ang OEC ay may bisa na:
60 araw mula sa petsa ng pagkakaloob
1 araw lamang kung ito ay pinagkaloob sa Labor Assistance Counter (LAC) sa NAIA, Cebu-Mactan, o Davao International Airport (para sa mga pabalik na OFW)
Isang beses lang na magagamit paalis ng Pilipinas
Kapag nagamit na ang OEC sa imigrasyon palabas ng bansa, ito ay nawawalan na ng bisa—kahit hindi pa tapos ang 60-araw na validity period.
Dagdag pa rito, ang OEC ay isang beses lamang na magagamit sa pag-alis mula sa Pilipinas. Kailangang mag-apply ng bagong OEC sa tuwing aalis ng Pilipinas at babiyahe patungong Hong Kong para sa bagong employment.
Kailangan ng isang Pilipinong domestic helper ang OEC kung siya ay:
Aalis ng Pilipinas upang magsimula ng bagong trabaho sa Hong Kong
Babalik sa Hong Kong matapos ang home leave, bakasyon, o emergency trip
Babalik sa Hong Kong matapos ang contract renewal o pagpapalit ng employer
Kahit ang mga domestic helper o kasambahay na matagal nang nagtatrabaho sa iisang pamilya ay kailangan pa rin ng OEC sa bawat pag-alis ng Pilipinas para sa trabaho—maliban na lamang kung kwalipikado sila para sa OEC exemption.
Ang OEC exemption ay nagbibigay-daan sa isang kasambahay o domestic worker na kasalukuyang nagtatrabaho sa Hong Kong na makalabas ng Pilipinas ng walang bagong OEC, kung walang nagbago sa mga detalye ng kanyang trabaho.
Maaaring makakuha ng OEC exemption ang isang domestic helper kung:
Babalik sa parehong employer sa Hong Kong
Pareho pa rin ang uri ng trabaho at address ng employer.
Nasa DMW system na ang employment record
May valid na Hong Kong visa at aktibong kontrata
May kumpirmadong flight pabalik sa Hong Kong
Kung may kahit anong pagbabagong naganap—tulad ng pangalan ng employer, residential address, o status ng kontrata—hindi maaaring gamitin ang exemption, at kailangang mag-apply ng regular na OEC.
| OEC | OEC Exemption |
|---|---|
| Kinakailangan para sa mga bagong hire o kung may pagbabago sa kontrata | Para sa pabalik na helper na walang pagbabago sa employment |
| Inilalabas bilang opisyal na sertipiko | Ibinibigay bilang online confirmation |
| May bayad ang pagproseso | Walang kailangang i-print na certificate |
| Isang beses lang magagamit | Isang beses lang magagamit |
Both are accepted by Philippine immigration, but exemption eligibility is closely checked.
May dalawang karaniwang paraan ng pag-aapply.
Ito ang pinakakaraniwang sitwasyon para sa mga domestic helper sa Hong Kong.
Ang helper ay:
Pinipili ang “Balik Manggagawa”
3. Nilalagay ang detalye ng flight
4. Sinasagot ang mga tanong para sa employment verification
5. Pini-print ang OEC Exemption Confirmation
6. Ipinapakita ito sa Philippine immigration bago ang pag-alis
Walang kailangang gawin ang employer, ngunit napakahalaga na tama at updated ang mga detalye ng kontrata.
Paalala:
Ang mga helper na nakalimutan ang kanilang password ay maaaring i-recover ang kanilang account gamit ang rehistradong email address o gumawa ng online ticket sa pamamagitan ng pag-click sa “DMW HelpDesk.” Maaari ring pumili ng pinakamalapit na DMW office upang iproseso ang request at mag-follow up gamit ang ticket number na ibibigay matapos i-submit ang request.
Kung ang helper ay may bagong employer o may pababago sa kontrata, kinakailangan niyang mag-apply para sa regular na OEC.
Kasama sa proseso ang:
Valid na Philippine passport
Valid na Hong Kong domestic helper visa
Na-verify na Standard Employment Contract (original)
HKID ng employer at detalye ng work address
Aktibong OWWA membership
Kumpirmadong detalye ng flight
Pagpi-print ng pinagkaloob na OEC
Kung ang helper ay nagpo-proseso ng bagong kontrata sa Hong Kong habang nasa Pilipinas, ang employment agency na humahawak ng visa application ay karaniwang inaasikaso na rin ang OEC bilang bahagi ng deployment process. Nakakatulong ito upang masigurong kumpleto at maayos ang lahat ng dokumento bago bumiyahe ang helper papuntang Hong Kong.
Para sa iba pang katanungan o agarang tulong kaugnay ng OEC, maaaring makipag-ugnayan sa mga tanggapan sa ibaba:
Makipag-ugnayan sa Manpower Registry Division sa (02) 8722-11-72 o (02) 8722-11-81, o mag-email sa ebmrd@dmw.gov.ph
Makipag-ugnayan sa Balik-Manggagawa Processing Division sa (02) 8721-07-85, o mag-email sa bmpd@dmw.gov.ph
Maaaring magproseso ng OEC ang mga Pilipinong domestic worker sa pamamagitan ng:
Mga DMW office sa Pilipinas
Migrant Workers Office (MWO) sa Hong Kong
Labor Assistance Counter (LAC) sa NAIA, Cebu-Mactan, o Davao International Airport para sa returning OFWs
Para sa mga helper na babalik sa parehong employer matapos ang bakasyon o leave, ang online OEC exemption ang pinakasimple at pinakamadaling opsyon.
Maaaring magproseso ng OEC ang mga Pilipinong domestic worker sa:
Mga DMW office sa Pilipinas
Migrant Workers Office (MWO) sa Hong Kong
Labor Assistance Counter (LAC) sa NAIA, Cebu-Mactan, o Davao International Airport para sa pabalik na OFWs
Para sa mga helper na babalik sa parehong employer matapos ang bakasyon o leave, ang online OEC exemption ang pinakasimple at pinakamadaling opsyon.
Sa mga piling sitwasyon, oo.
Maaaring payagan ang pag-iisyu ng OEC sa airport kung:
Sa loob ng limang (5) araw na ang paglipad pabalik ng Hong Kong
Walang available na appointment online
Kumpleto ang lahat ng kinakailangang dokumento
Hindi garantisado ang opsyong ito at dapat lamang gamitin bilang huling opsyon. Maaaring maginquire sa Labor Assistance Centers upang makasiguro.
Maraming isyu sa OEC ang nangyayari dahil sa maliliit na hindi pagkakatugma. Kabilang sa mga karaniwang isyu ang:
Hindi pareho ang pangalan o address ng employer sa kontrata
Expired na OWWA membership
Maling flight dates na nailagay sa system
Masyadong maagang pag-apply, o labas sa 60-araw na validity period
Makakatulong ang mga employer sa pamamagitan ng pagtiyak na tama ang mga detalye ng kontrata, pagbibigay ng sapat na oras sa helper upang matapos ang proseso, at pakikipag-coordinate sa mga agency kung kinakailangan.
Umiiral ang OEC system upang:
Protektahan ang mga Pilipinong domestic worker laban sa illegal recruitment
Masigurong pasado sa pamantayan ng Pilipinas ang mga overseas contracts
Isulong ang kalinawan (transparency) at pananagutan (accountability) sa pagtatrabaho sa ibang bansa.
Para sa mga domestic helper, ang tamang pagproseso ng OEC ay mahalaga upang masigurong legal ang iyong pag-alis ng Pilipinas, maiwasan ang pagkaantala ng pag-alis patungong Hong Kong at mapanatili ang maayos at matatag na relasyon sa iyong employer.
Kung ikaw ay magpo-proseso ng bagong kontrata papuntang Hong Kong habang nasa Pilipinas, karaniwang ang employment agency sa Pilipinas na nag-aasikaso ng iyong visa ang siyang magpo-proseso din ng OEC.
Kung ikaw naman ay umuwi ng Pilipinas para magbakasyon o home leave, ikaw mismo ang responsable sa pagkuha ng OEC o OEC exemption bago ka makabalik sa Hong Kong para sa trabaho. Maari itong kunin sa MWO Hong Kong bago pa man umuwi ng Pilipinas kung ikaw ay babalik ng Hong Kong sa loob ng 60 days – dahil 60 days lamang ang bisa ng OEC.
Mahalagang malaman ang pagkakaibang ito para makapagplano nang maayos at maiwasan ang abala o delay sa iyong pagbalik sa trabaho.
(published on April 29, 2024) Common sanitary products In Hong…
(Published on April 23, 2024) Types Of Money Scams Money…
By PathFinders (Click here if you have not read phase 1.) In Phase…
Updated 21 November 2025 Enjoying the Hong Kong Winter: Fun…
(published on September 21, 2023) In response to the Pink…
Tingnan ang pahinang ito sa TagalogDid you know that Saudi…